Minsan ang dami kong iniisip pero hindi alam ng iba
Minsan akala ng iba ok ako pero medyo hindi
Minsan naiinis rin ako pero sa loob loob ko lang
Minsan napapaisip ako kung tama nga ba iyong ginawa or hindi ko ginawa
Minsan hindi na lang ako nagsasalita pero mahirap rin talaga
Minsan napupuno rin ako pero hindi ko alam kung nailabas ko na o kelangan bang ilabas
Minsan iniisip ko na tama na baka san pa mapunta
Minsan iniisip ko na sige na nga wala namang masama
Minsan gusto ko magkwento pero di bale na lang
Minsan inuuna ko ang mga bagay na hindi pala importante
Minsan hindi ko alam kung ano ang importante
Minsan naiisip ko kung may sinabi ba dapat ako
Minsan ayaw ko sa sitwasyon ko
Minsan napapagod din ako
Minsan sana maintindihan din ako
Minsan wala akong magawa kahit gusto ko mang tumulong
Minsan gusto kong ipaalala ang pagkakamali ko
Minsan gusto kong ipaalala ang sinabi ko
Minsan mabuti na lang na huwag nang magsisihan
Minsan kulang ata ang ibinibigay ko
Minsan naman sobra na rin ata
Kadalasan magulo talaga ang buhay .. pero ganun talaga :)
3 comments:
reminds me of the song "superman," jaz. the other side of the hero. you're a hero to our class kasi. ;0) you always put up a strong image, a happy one that we see everyday. little do we know na andami mo rin palang "minsan." ;0)
hehe i guess that can simply be summed up to: "ay tao din pala ako." hehe joke lang..
seriously, it comes with being humans. expectations can indeed prevent us from being who we really are...
hehe .. hindi man din ako "superman" .. ayaw ko din talaga magpa-hero .. pero matuwa din baya ako sa ginagawa almost always .. may times lang talaga na mapaisip ako tama ba ginagawa ko and kaya ko pa ba?
hehe .. salamat ;)
Post a Comment