
Matagal ko na rin naisip tong blog na to pero naisip ko na ipost ngayon, ika-114th Independence Day ng Pilipinas.
Kilala ang mga Pilipino bilang "family-oriented" at eto ang 5 bagay na gusto ko:
1. "Ate / Kuya" - Wala akong mahanap na translation nito sa English. Sa Chinese meron, sa English mukhang wala. Matapos ang 1 taon pagkatapos akong ipinanganak, ate na ako. Masarap pakinggan.
2. "Tito/Tita" - Maliban sa "Auntie" and "Uncle", ginagamit din natin ang "Tito" and "Tita" para tawagin ang mga kapatid/pinsan ng ating mga magulang. Pero hindi tulad sa ibang bansa, ginagamit din natin ito sa mga magulang ng ating mga kaklase at kaibigan. Parang wala rin itong translation sa English. Ang alam ko "Mrs. Something" and "Mr. Something" ang ginagamit.
3. "Po/Opo" - Wala rin yata itong translation sa English. Lumaki ako na ginagamit ito at ngayon na ako kay tumatanda na, hindi ko pa rin maiwasan na gumamit nito, hehe. Minsan mas matanda pa pala ako sa kausap ko, haha. Nasabihan na rin ako nito, kasi nga tumatanda na ako. Wala rin ata itong katumbas sa Bisaya. Pero Bisaya man ako, gamit ko pa rin. Ito ay pagpapakita ng respeto ;)
4. "Mano Po" - Hindi ko alam if pure Filipino tradition ito. Pero masaya ako kasi parte ito ng kinalakihan ko. Kilala rin sa tawag na "Amen" or "Bless".
5. "Bahay" - Karaniwan sa mga bahay ng mga Pinoy, hindi isang pamilya lang kundi extended families. Bihira dito sa atin ang mga Retirement facilities kasi mayroon talagang magbabantay para sa mga nakakatatanda nating kapamilya. Nakakatuwa rin na hindi masama ang tingin natin sa mga anak, na may edad at trabaho, na kusang nakatira kasama ang mga magulang at tumutulong sa gastusin.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
No comments:
Post a Comment